3 holdaper tumba sa shootout

BULACAN, Philippines – Tatlong kalalakihan na sinasabing miyembro ng notoryus na robbery/holdup gang na nangholdap sa isang karin­derya ang iniulat na na­paslang makaraang maki­pagbarilan sa mga alagad ng batas kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Doña Remedios Trinidad Highway, sa Brgy. Sampaloc, San Rafael, Bulacan.

Isa sa dalawang napa­tay ay nakilalang si Roger Manalad ng #220 Patria Street, Balut, Tondo, Ma­nila habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa.

Sa police report, lumi­litaw na hinoldap ng tatlo ang Edison LTB eatery na pag-aari ni Edison Igaya.

Napag-alamang tina­ngay ang hindi pa mabatid na halaga at mga celpon saka tumakas sakay ng kotseng Toyota Corolla (TDD-349) patungo sa hilagang direksyon.

Kaagad naman nag­latag ng checkpoint ang pulisya sa mga posibleng daanan hanggang sa ma­mataan sa bisinidad ng Barangay Capihan kung saan imbes na huminto para sa inspeksyon ay pinaharurot ng tatlo ang kotse.

Dito na nagkahabulan kung saan naunang nag­paputok ng baril ang tatlo kaya gumanti ang mga tumutugis na pulisya hanggang sa mapatay ang tatlo.

Narekober ng pulisya ang tatlong baril, 2 celpon, 3-bonnet at P600 cash. Boy Cruz at Joy Cantos

Show comments