1 todas, 5 sugatan sa sakuna

MANILA, Philippines - Isang konduktor ang iniulat na nasawi habang limang iba pa ang nasugatan kabilang ang isang pulis makaraang sumalpok ang pampasaherong bus sa punong-kahoy at sa nakaparadang trak sa tabi ng highway sa bahagi ng Brgy. Sta. Fe sa bayan ng Agoo, La Union kamakalawa.

Idineklarang patay sa La Union Medical Center si Serafin Factor, 47, habang ginagamot naman sina PO1 Eloy Corpuz Jr., 27; Robert Corpuz, 30; Edgar Sobremonte, 36; Ernesto Duculan, 25 at si Randy Casuga, 27.

Nabatid na nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber na si Fedelito Yagyagan ng Farinas Trans Bus (NYD 669) kaya sumalpok sa nakabalandrang trak (WEL 810) ni Teodulfo Molina sa gilid ng highway at nasalpok din ang punong-kahoy sa tabi ng kalsada. (Joy Cantos)

Show comments