BATANGAS CITY, Philippines – Tinatayang aabot sa P108-milyong pananim mula sa 22,485 hektaryang bukirin sa ilang bayan ng Occidental Mindoro ang winasak ng bagyong Jolina noong Biyernes hanggang sa kasa lukuyan.
Kabilang sa mga bayang lu bog sa tubig-baha ay ang mga bayan ng Calintaan, Magsaysay, Rizal, at ang bayan ng Sablayan.
Samantala, aabot naman sa 6,416 pamilya (26,321-katao) ang inilikas mula sa 14 na barangay sa bayan ng Sablayan at karatig bayan, ayon kay Allan Virtucio, operations chief ng Office of the Civil Defense sa Region 4-B.
Naputol din ang ilang kalsa da sa national highway na nagdudugtong sa mga bayan ng Abra De Ilog, San Jose, Rizal, Magsaysay, Mamburao at sa bayan ng Sta Cruz dahil sa landslide.
Tumulong na ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Red Cross, Provincial Disaster Coordinating Council at lokal na pamahalaan para sa paglilikas ng mga apektadong pamilya sa mga pampublikong paaralan.
Samantala, kinilala naman ni P/Senior Supt. Ceasar Mi randa, Occidental Mindoro police chief, ang nasawing si Benjamin Temporaza, 30, ng Barangay Manoot, Rizal matapos malunod nang tangayin ng tubig-baha. Arnell Ozaeta