^

Probinsiya

Killer ng ex-mayor kinasuhan

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines   – Sinampahan na ng kasong murder ang isa sa dalawang suspek sa pamamaslang kay ex-Candelaria Mayor David Emralino makaraang maaresto sa Batangas City noong Linggo.

Kinilala ni P/Senior Supt. Elmo Francis Sarona, Quezon police director, ang suspek na si Adorico De Sagun Ebora, 38, ng Brgy. Libato, San Juan, Batangas.

Naaresto si Ebora ng Task Group Emralino sa bisinidad ng Brgy. Sampaga, matapos inguso ng mga saksi na siyang pangu­nahing bumaril kay Mayor Emralino sa harap mismo ng San Pedro Bautista Parish Church sa Candelaria, Quezon noong Hulyo 26.

 “May mga dating kaso si Ebora kaya lang nakalaya siya matapos hindi na itinuloy ng complainant ang kaso laban sa kanya,” ani Sarona matapos kumpirmahing isang gun-for-hire si Ebora.

Ang dalawang bodyguard ni Emralino na sina Freddie Acebron at Ramil Casilag ay sugatan din at kasalukuyang nagpapagamot sa ospital sa Lucena City. Kasalukuyan pa ring inaalam ang motibo sa pamamaslang ha­bang patuloy pa rin ang pagtugis sa iba pang suspek. (Arnell Ozaeta)


ADORICO DE SAGUN EBORA

ARNELL OZAETA

BATANGAS CITY

BRGY

CANDELARIA MAYOR DAVID EMRALINO

EBORA

ELMO FRANCIS SARONA

FREDDIE ACEBRON

LUCENA CITY

MAYOR EMRALINO

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with