Lover ni misis itinumba

KIDAPAWAN CITY  , Philippines  – Isang 31-anyos na mang­gagawa ng Dole-Stanfilco na sinasabing naaktuhan nakikipagtagpo sa may-asawang babae ang pi­nagsasaksak hanggang sa mapatay ng mister ng huli sa bisinidad ng Datu Ingkal Street sa Kidapawan City, North Cotabato kamaka­lawa.

Napuruhan sa dibdib si Rizaldy Antiporda habang sumuko naman ang sus­pek na si Jimmy Dante Es­trella, 35, driver, ng Ba­rangay Mateo, Kidapawan City.

Ayon kay P/Insp. Sunny Leoncito, love triangle ang pangunahing motibo ng krimen kung saan naak­tuhan ng suspek na nakiki­pagtagpo ang suspek sa kan­yang misis.

Ito na ang ikalawang pagkakataon, na naaktu­han ng suspek ang kan­yang misis na nakikipag­tagpo sa biktima. (Malu Manar)


Show comments