Truck sinunog ng NPA

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang may kaugnayan sa revolutionary tax kaya sinilaban ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang yunit ng Elf truck sa Purok 7, Brgy. Luz sa bayan ng M’lang, Cotabato.

Kasunod nito, dalawang manggagawa ang nasugatan matapos na ratratin ng mga rebeldeng New Peo­ple’s Army ang sinasakyang owner-type jeep na pag-aari ng Standard Rubber Corp. sa highway ng Purok 8, Nueva Vida sa bayang nabanggit.

Kabilang sa mga nasugatan ay sina Francisco Ondap at Daniel Quilaton. Ang nasabing rubber company ay pag-aari ng negosyanteng si Jose Emma­nuel Pacheco na nakabase sa bayan ng Makilala. (Joy Cantos)

Show comments