MANILA, Philippines - Isang opisyal ng mga rebeldeng New Peoples Army na sinasabing may nakalaang pabuya na P5.6 milyon sa kanyang ulo ang nadakip ng mga awtoridad kahapon ng umaga sa tinutuluyan nitong hotel sa Cagayan de Oro City.
Sa ulat ni P/Chief Insp. Michael John Deloso, na nakarating sa Camp Crame, nakilala ang suspek na si Alfredo Mapano, alyas “Ka Pares,” 55, chairman ng North Central Mindanao Regional Committee ng CPP-NPA.
Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na pinalabas nina Judge Emmelindo Andal ng Regional Trial Court Branch 25 sa kasong double murder with frustrated murder at kasong robbery with double homicide and damage to properties mula naman kay Judge Zenaida Dacer.
Napag-alamang lumuwas ng Cagayan De Oro City si Ka Pares para bumisita sa kanyang pamilya na nakatira sa Barangay Macasandig. (Ricky Tulipat)