2 minero natagpuang patay sa minahan

MANILA, Philippines - Dalawang minero ang natagpuang wala nang buhay sa isang abandonadong minahan sa Cordon, Isabela, kamakalawa.

Kinilala ang mga ito na sina Tito Anaper Jr. at Eleno Mayyag na ang mga bangkay ay kapwa natagpuan sa tunnel sa Barangay Camarao sa Cordon.

Nabatid na kasama ng dalawa ang tatlong iba pa na nagtungo sa minahan sa pag-asang makakuha ng ginto.

Gayunman, tanging sina Anaper at Mayyag ang pumasok sa tunnel pero hindi na sila nakalabas nang buhay. (Joy Cantos)

Show comments