^

Probinsiya

Sanggol walang mga braso isinilang

-

NUEVA ECIJA, Philippines – Isang sanggol na walang mga kamay at magkadikit ang ilang daliri sa kanang paa ang isinilang noong Lunes sa Eduardo L. Joson Memorial Hospital sa Caba­natuan City, Nueva Ecija.

Nabigla si Rachel Ann Batumbacal, 20, ng Paradise Subd. sa Barangay Ba­ngad, nang ipagbigay-alam ng kanyang mister na si Reylando Solis na ang isi­nilang niyang sanggol na si Baby Darrel ay walang kamay at magkadikit ang ilang daliri sa paa.

Nangangamba tuloy si Rachel Ann kung matu­tupad pa ang matayog na pangarap niya para sa anak na makapagtapos ng pag-aaral kahit hirap sila sa kabuhayan.

Paniwala ni Rachel Ann na dahil sa napagli­ hi­han niyang biik sa pina­pa­sukang piggery ng kan­yang mister ang po­ sibleng resulta ng anyo ng sang­gol.

Sinabi naman ni Dr. Melchor Sarangaya, chief of clinics ng ELJMH, na malabong paglilihi ang dahilan nang pagkawala ng mga kamay at pagkakadikit ng ilang daliri sa paa ng sanggol.

Maaaring sa nainom nitong gamot habang nag­bubuntis, ayon pa sa doktor.

Aminado naman si Ra­chel Ann na uminom siya ng gamot sa urinary track infection at nagsimula lamang siyang magpa­kunsulta sa doctor noong nasa ikawalong buwang pagbubuntis.

Ipinahayag naman ni Dr. Sarangaya na tutulong ang nasabing ospital sa sang­gol ni Rachel Ann. Christian Ryan Sta. Ana

BABY DARREL

BARANGAY BA

CHRISTIAN RYAN STA

DR. MELCHOR SARANGAYA

DR. SARANGAYA

EDUARDO L

JOSON MEMORIAL HOSPITAL

NUEVA ECIJA

RACHEL ANN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with