Misis inutas ng pamangkin
CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines – Binaril at napatay ang isang 30-anyos na misis ng sariling pamangking lalaki dahil sa sermon ng una kamakalawa ng hapon sa Barangay Pabrica, Calabanga, Camarines Sur. Napuruhan ng bala ng baril sa dibdib si Analyn De Jesus habang naaresto naman ang senglot na suspek na si Andy Agravante, 22, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Base sa police report, pinagsabihan ng biktima ang suspek na umuwi na lamang at matulog dahil sa lango na sa alak subalit ikinagalit nito at isinagawa ang krimen. Ed Casulla
- Latest
- Trending