Magkaibigan lunod sa beach

PANGASINAN, Philippines – Karit ni kamatayan ang suma­lubong sa magkaibigang lalaki makaraang malunod sa beach resort noong Linggo ng umaga sa Barangay Ilog-Malino sa bayan ng Bolinao. Tatlong oras matapos malunod sa Garden Paradise Beach Resort ay natagpuan ang katawan nina Efren Olidan, 24; at Ranel Cruz, 21, kapwa nakatira sa Angeles City, Pampanga. Napag-alamang nag-picnic ang mga biktima kasama ang kanilang kamang-anak sa nabanggit na resort subalit nabahiran ng lungkot dahil sa trahedya. Cesar Ramirez

Show comments