Lady trader ginilitan
BATANGAS, Philippines – Isa na namang babaeng negosyante ang iniulat na napaslang kung saan natagpuan ang katawan nito sa liblib na bahagi ng Barangay Balintawak sa Lipa City, Batangas kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Francisco Rodriguez, Lipa police chief ang biktimang si Carolina Villanueva, 24, ng Barangay Bolbok, Batangas City at may negosyong money lending. Ayon sa police report, natagpuan ng hepe ng barangay tanod na si Mario Mendoza, ang bangkay ng biktima bandang alas-7 ng umaga. Sa isinagawang post-mortem examination, lumilitaw na sinaksak sa leeg ang biktima kung saan isa sa dalawang suspek ang hawak na ng pulisya habang tinutugis pa ang isa pang kasabwat sa krimen. Arnell Ozaeta
- Latest
- Trending