PBL player dedo sa road mishap

BATANGAS , Philippines   – Maagang nagwakas ang career ng isang 23-anyos na player ng Philippine Basketball League (PBL) makaraang masawi sa motorcycle crash na ikinasu­gat din ng kasamahan nito kahapon ng madaling-araw sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ni P/Supt. Francisco Rodriguez, Lipa City police chief, ang nasawi na si Jason Nocom ng Nueve de Pebrero, Mandaluyong City, Metro Manila dating player ng JRU, NCAA at kasalukuyang naglalaro sa Oracel basketball team.

Sa inisyal na imbesti­gas­yon ng pulisya, sinasabing nakaangkas si Nocom sa Honda Wave motorcycle (WO-3318) na minamaneho ng kaibigang si Jeffrey En­gelbert Suguitan, 23 at pa­tungo sana sa Lipa City mula sa Barangay Mataas na Ka­hoy nang maganap ang sa­kuna bandang alas-12:15 ng madaling-araw.

Sa salaysay ng mga sak­si, binabagtas ng mga bik­tima ang national highway na sakop ng Purok 4, Brgy. Tambo nang mawalan ng con­trol sa manibela si Sugui­tan hanggang sa sumalpok sa punong-kahoy.

Dead-on-the-spot si No­com matapos magtamo ng pinsala sa kanyang ulo at ka­tawan samantalang sugatan naman si Suguitan at naisu­god sa Mary Mediatriz Hospital.

Ayon sa mga awtoridad, na walang suot na helmet ang mga biktima nang maganap ang trahedya. Arnell Ozaeta


Show comments