Trader itinumba ng NPA

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa isang 43-anyos na negosyante makaraang ratratin ng liquidation squad ng New People’s Army kamakalawa sa loob ng tupadahan sa Zone 7, Bulan, Sorsogon. Kini­lala ng pulisya ang napaslang na si Venchito “Totoy” Magti­bay , 43, may asawa, ng Zone 8 sa nabanggit na bayan. Base sa police report, napag-alamang nakaupo ang bik­tima sa tuklong ng sabungan nang lapitan at ratratin ng mga rebelde. Nagkagulo naman ang mga sabungero ma­tapos makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril. May teorya ang pulisya na napagkamalang tiktik ng pulisya at militar ang biktima. Ed Casulla

Show comments