^

Probinsiya

NPA camp nakubkob

-

MANILA, Philippines - Nakubkob ng militar ang isang malaking kampo ng mga rebeldeng New Peo­ple’s Army na nagresulta sa pagkamatay ng isa nitong miyembro habang marami pa ang nasugatan sa ope­rasyon sa San Luis, Agu­san del Sur kamakalawa.

Dakong alas-3:00 ng hapon nang lusubin ng 26th Infantry Battalion ng Philippine Army ang kuta ng mga rebelde sa Sitio Tabon-Tabon, Barangay Mahag­say, San Luis.

Nakuha sa lugar ang bangkay ng isang napatay na rebelde na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Nakuha rin sa kampo ang isang M16 rifle, isang shotgun, mga subersibong dokumento at mga personal na kagamitan.

Nabatid na ang nakub­kob na kampo ay may wa­long bunkers na may isang kusina at pinaniniwalaang pinagku­ taan ng Front Committee 88 ng North Central Mindanao Regional Committee ng NPA. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY MAHAG

FRONT COMMITTEE

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

NAKUHA

NEW PEO

NORTH CENTRAL MINDANAO REGIONAL COMMITTEE

PHILIPPINE ARMY

SAN LUIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with