4 miyembro ng holdap gang tiklo

PANGASINAN, Philippines —Kala­boso ang binagsakan ng apat na kalalakihan na sina­sabing kasapi ng gun-for-hire at rob­bery group ma­karaang ma­aresto ng mga awtoridad sa kanilang hideout sa Brgy. San Leon sa bayan ng Umingan, Pangasinan, kamakalawa. Kabilang sa mga suspek na iniimbestigahan ay sina Manny Colisao, 31, lider ng kilabot na Colisao Group na sangkot sa iba’t ibang krimen; Modesto Colisao, 25; Alver Mendoza, pa­wang mga resi­dente ng Brgy. Banaoang, Mala­siqui; at si Jojo Torio, 21, ng Brgy. Labit, Villasis.

Ang grupo ni Colisao ay isinasangkot sa pagpatay kina Luisito Gabat Sr., isang school principal, noong Marso; dating Ba­rangay Captain Flor Be­nitez ng Brgy. Gomez, Malasiqui; at kay Engr. Do­mingo Ballesteros, economic enterprise office ng bayan ng Calasiao.

Napag-alaman pa na ang grupo ay sangkot din sa mga nakawan, holda­pan sa third, fourth, fifth at sa sixth districts kung saan ang karaniwang biktima ay mga negosyanteng Bum­bay at mga messenger ng door-to-door delivery.

Nakumpiska sa mga sus­pek ang dalawang baril, dalawang granada, dala­wang magasin ng cal.45, at ilang bala para sa dala­wang baril. Cesar Ramirez

Show comments