^

Probinsiya

Opisyal dinedo sa induction ceremony

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang opis­yal ng Parents and Teachers Association (PTA) ang iniulat na napaslang ha­bang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang rat­ratin ng mga rebeldeng New Peoples Army sa induction ceremony kama­ka­lawa ng gabi sa Ba­rangay Malangcao sa ba­yan ng Basud, Camarines Norte.

Napuruhan ng mga bala ng baril sa ibat ibang ba­hagi ng katawan si Jona­than Quinto, 31, may asa­wa, samantala, suga­tan at naisugod sa Talo­batib District Hospital sina Christopher Biazon, 23 at Elmo Jerez, 26.

Batay sa police report, naganap ang krimen da­kong alas-10 ng gabi ha­bang ang biktima ay nanu­numpa sa induction cere­mony bilang mga bagong halal na opisyal ng PTA ng paaralan sa barangay.

Maging sina Biazon at Jerez na katabi ni Quinto na nakaupo ay tinamaan ng ligaw na bala.

Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na si Quinto ay pinaghihinalaang asset ng militar dahil bayaw ng isang sundalo ng 31st Infantry Battalion ng Phil. Army sa Brgy. San Antonio sa bayan ng Labo.

Narekober sa pinangya­rihan ng krimen ang 17 bas­yo ng bala ng Armalite rifle at apat na basyo ng Carbine.

CAMARINES NORTE

CHRISTOPHER BIAZON

DISTRICT HOSPITAL

ELMO JEREZ

INFANTRY BATTALION

LEGAZPI CITY

NEW PEOPLES ARMY

PARENTS AND TEACHERS ASSOCIATION

SAN ANTONIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with