^

Probinsiya

2009 Tambuli Awards para sa Cavite

-

CAVITE, Philippines — Nadagdag sa talaan ng mga parangal ng Cavite sa pamumuno ni Gov. Ayong Maliksi ang 2009 Tambuli Awards: 3rd Inte­grated Marketing Communi­ca­tions Effectiveness Awards kung saan ipinagkaloob noong Hulyo 10 sa University of Asia and the Pacific.

Tumanggap ng silver rating ang “Cavite, be part of the revolution” sa kategoryang Best in Internal Marketing Pro­gram mula sa mga hura­dong kilala sa larangan ng negosyo, edukasyon at komunikasyon.  

Inilunsad ang bagong ad­bokasiya ng Cavite noong Hunyo 12, 2007 kasabay ng se­­lebrasyon ng Kalayaan Fes­ tival sa Aguinaldo Shrine sa Kawit na pumukaw sa ka­ma­layan ng mga mama­mayan.

Ayon sa Provincial In­for­mation Officer at Cavite Brand manager na si. Alda Lou Cabrera, ang Cavite brand ay ideya ni Gov. Ayong Maliksi sa pagnanais nitong mas ma­ipa­kilala ang malawak na poten­syal at mahigitan ang kasalu­kuyang kalagayan ng Cavite.

Naniniwala ang goberna­dor na hindi magtatagumpay ang pagpapatupad ng kan­yang 12-puntong programang pangkaunlaran kung wala ang partisipasyo ng kanyang mga kababayan.

Patuloy ang pagpapakilala ng Cavite brand sa publiko sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at istratehiya. Nag­talaga rin ng mga manager sa 23-bayan at lungsod upang maging katuwang sa pro­mosyon ng Cavite brand hang­gang sa mga barangay. Binuo rin ang grupo ng mga tagapagsalita o corps of ambassador ng Cavite brand.

Ang Tambuli Awards na inilunsad sa University of Asia and the Pacific noong 2005 ang una at natatanging orga­nisasyon sa buong Asya na nabibigay ng pagkilala sa mga integrated marketing com­munications campaign na nag­susulong ng mga maga­gandang kaugaliang pan­lipunan.

AGUINALDO SHRINE

ALDA LOU CABRERA

ANG TAMBULI AWARDS

AYONG MALIKSI

CAVITE

CAVITE BRAND

EFFECTIVENESS AWARDS

SHY

UNIVERSITY OF ASIA AND THE PACIFIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with