84-anyos na ina kinatay ng anak

PANGASINAN, Philippines — Brutal na kamatayan ang sina­pit ng isang 84-anyos na ina makaraang pag­ta­­ta­gain ng sariling anak na lalaki sa loob ng ka­nilang tahanan kamaka­lawa sa Purok V sa Ba­rangay Ca­manang River­side sa Ur­daneta City, Pangasinan.

Animo’y kinatay na baboy ang katawan ng bik­timang si Nemesia Caba­nila vda. De Capo­doy ha­bang naaresto naman ang suspek na si Miguel Capo­doy Jr., 58, dating sundalo ng Philippine Constabulary at sinasabing nawala sa katinuan.

Sa ulat ng pulisya, ang suspek ay may discharge order mula sa pamunuan ng Phil. Constabulary dahil sa mental defect.

Base sa police report, lumilitaw na nag-amok ang suspek sa labas ng ka­nilang bahay at hi­nostage nito ang kanyang ina sa loob ng kanilang tahanan gamit ang ma­talim na itak at patalim.

Sa pakikipagtulungan ng pulisya sa ilang kapit­bahay ng mag-ina para mapasuko ang suspek.

Subalit ilang minuto ang nakalipas ay luma­bas sa kanilang bahay ang suspek na duguan ang hawak na itak at si­nabing pinagtataga niya ang sariling ina sa ’di nabatid na dahilan.

Kaagad naman si­nung­­­gaban ng ilang pu­lisya ang suspek para hindi na maka­panakit pa ng ibang kapit­bahay kung saan pinag-aaralan kung sa­sampahan ng kauku­lang kaso dahil na rin sa may diprensya sa pag-iisip.


Show comments