Helper tinodas ng mga 'adik'

ORMOC CITY, Leyte, Philippines — Isang helper sa karinderya ang iniulat na napaslang makaraang pagtulungang sak­sakin ng tatlong kalalakihan na sinasabing adik sa droga noong Linggo ng gabi sa terminal ng jeepney sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Albert Dona, 17, binata, helper sa Panyang eatery at tubong Brgy. Matlang sa bayan ng Isabel, Leyte. Isa sa tatlong suspek na si Samuel Oquiasa ay na­aresto ng pulisya habang tugis naman ang mga kasamahang sina Bryan Dolores, at Christian Tungalo, kapwa 19-anyos at na­katira sa Brgy. Alegria.

Ayon kay SPO3 Oscar Cobacha, lumilitaw na naglalakad ang biktima kasama ang kanyang nobya nang mapag­tri­pang saksakin ng tatlo. (Roberto C. Dejon)


Show comments