Pulis dinedo sa hapag-kainan

MANILA, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang alagad ng batas ng ‘di-pa kilalang lalaki habang una ay nagha­hapu­nan kasama ang kanyang pamilya sa Barangay Mam­pang, Zamboanga City kama­kalawa.

Napuruhan ng bala ng M16 Armalite rifle si SPO4 Recto Taup, nakatalaga sa ba­yan ng Dinas.

Sa police report na nakarating sa Camp Cra­me, pumasok ang killer sa loob ng bahay ng bik­tima dakong alas-5:40 ng hapon sa Quijano Subdivision, Loc­ son Drive at isinagawa ang pa­mamaslang. (Joy Cantos)


Show comments