Ambus: 3 sibilyan dedo, 3 pa sugatan

BACOLOD CITY, Philippines —Tat­long sibilyan kabilang ang isang high school student ang kumpirmadong nasawi ha­bang tatlong iba pa ang na­sugatan makaraang rat­ratin ng mga rebeldeng New Peo­ple’s Army ang cargo truck sa bayan ng Toboso, Negros Occidental kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Insp. Nestor Tuadles, hepe ng pu­lis­ya sa bayan ng Tobo­so, ang biktimang sina Rodolfo Sa­lipod, drayber ng cargo truck; Ena Pata at ang high school stu­dent na si Edmar Sultan ha­bang sugatan naman sina Eryl Baynosa, Ivy Recopela­cion, student ng Toboso National High School; at si Primitivo Lumapay na nasa kritikal na kondisyon.

Ang mga biktima na na­isugod sa San Carlos City hos­pital ay pawang nakatira sa Barangay Sa­lamangka.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, kasalukuyang patungo ang truck sa bayan ng Toboso kung saan nakisakay lamang ang mga biktima nang tam­­ bangan ng mga re­belde pag­sapit sa kaha­baan ng highway ng Purok Mabu­hay sa Brgy. Sala­mangka.

Tinukoy naman ng mga opisyal ng Philippine Army at pulisya na ang Platoon 1 ng Komiteng Larangan Northern Negros (KLNN) ng CPP-NPA, ang respon­sable sa pana­nam­bang sa mga biktima.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa pangi­ngikil ng revolutionary tax ng mga rebelde sa may-ari ng cargo truck ang motibo ng pana­nambang. (Anto­nieta Lopez at Joy Cantos)


Show comments