^

Probinsiya

Chairman ng transport group niratrat

-

DARAGA, Albay, Philippines — Ka­sa­lukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang provincial chairman ng organi­sas­yon ng mga driver at operator ng traysikel na sinasabing naghahanda sa malawakang transport strike makaraang pagba­ba­rilin ng mga ‘di-pa kila­lang kalalakihan sa hara­pan ng gasolinahan sa bayan ng Daraga, Albay kahapon ng madaling-araw.

Naisugod naman ng kanyang mga kasamahang drayber sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital si Joel Ascotia na residente ng Barangay Pawa sa Legazpi City.

Si Ascotia ay tumata­yong provincial chairman ng Concerned Drivers and Operators for Reform (CONDOR) sa ilalim ng Pinagkaisang Samahan ng Transportasyon at Operator Nationwide (PISTON)-Bicol.

Sa ulat ni P/Insp. Ayn Na­tuel, naganap ang kri­men bandang alas-4:20 ng madaling-araw habang ang biktima kasama ang ilang opisyal at miyembro ng ka­nilang grupo ay nagha­han­da sa isasa­gawang mala­wakang transport strike.

Sakay ng motorsiklo ang dalawang ‘di-pa kila­lang kalalakihan nang la­pitan at pagbabarilin ang biktima kung saan nagka­lasan ang ilang kasama­hang drayber na nagpupu­lung-pulong sa nabanggit na lugar.

May teorya ang ilang kasamahan ng biktima na may kaugnayan sa transport strike ang motibo ng krimen. (Ed Casulla)


ALBAY

AYN NA

BARANGAY PAWA

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

DRIVERS AND OPERATORS

ED CASULLA

JOEL ASCOTIA

LEGAZPI CITY

OPERATOR NATIONWIDE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with