Taiwanese consultant inutas

PANGASINAN, Philippines —Sinaksak at napatay ang isang Taiwanese consultant ng nakaalitang kawani ng pribadong kompanya noong Biyernes ng gabi sa Barangay Carmen East sa bayan ng Rosales, Pangasinan. Sa ulat na nakalap kahapon sa Pangasinan PNP office, kinilala ang napaslang na si Chou Kuang Lien, 60, agri-consultant ng Harvest Agri-Business Corp. at residente ng bayan ng Imus, Cavite.

Samantala, naaresto naman ang suspek na si Ruel Palicpic, utility personnel sa naturang korpo­rasyon, at nakatira sa Barangay Culang, Bolinao, Panga­sinan.

Ayon sa police report, sinugod at sinaksak ng sus­pek ang biktima sa loob ng nipa hut na sinasabing may matinding alitan na namagitan sa dalawa. (Cesar Ramirez)

Show comments