Killer ng estudyante nadakma

BULACAN, Philippines — Nagwakas ang mahabang panahong pagtatago sa batas ng isang 23-anyos na lalaki na sinasabing pangunahing suspek sa pagpatay sa isang 3rd year college student noong Pebrero 2007 makaraang maaresto ng pulisya sa bisinidad ng Brgy. Lawa sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Olivia Escubio-Samar ng Malolos City Regional Trial Court Branch 79 sa kasong murder na walang piyansang inirekomenda, naaresto ang suspek na si Angelo Gasca y Villanueva, 23, ng Brgy. Patubig, Marilao.

Sa record ng pulisya, ang suspek ay itinuturong bumaril at nakapatay kay Justin Sherwin Valdez y Ignacio, 18, student ng Mapua Institute of Technology at residente ng Villa Consuelo Subd., Brgy. Abangan Sur sa bayan ng Marilao, Bulacan. (Boy Cruz)

Show comments