PNP director, pinasisibak dahil sa jueteng
ILAGAN, Isabela, Philippines — Nasa balag na alanganin ngayon ang police director sa Isabela matapos manawagan ang ilang lokal na opisyal sa pangunguna ni Gov. Grace Padaca sa pamunuan ng pambansang pulisya upang patalsikin sa puwesto dahil sa patuloy na operasyon ng jueteng.
Sa naunang pahayag ni Padaca, sinabi nito na nagpadala na siya ng liham kay PNP chief Director General Jesus Versoza upang hilingin ang pagka-relief ni P/Senior Supt. Jimmy Rivera bilang Isabela police director.
“There are mayors who have issues against Rivera, the vice governor himself has some questions on the way Rivera conducts his leadership. Rep. Edwin Uy also has issues against him,” pahayag ni Padaca.
“I should not be the only whom Rivera deals well with but the other officials as well,” dagdag pa ng Gobernadora na personal na pumili kay Rivera bilang kapalit ni P/Senior Supt. Dominador Aquino, na nakatapos ng dalawang taon termino noong Pebrero 2009.
Kinumpirma naman ni Vice Gov. Ramon Reyes na ang kabiguan ni Rivera na mapatigil ang illegal gambling o jueteng ang isa sa mga rason kung bakit siya pinasisibak sa puwesto.
The Provincial Board had passed Resolution No. 42 last May to stop all illegal activities and the governor had given him five days to act on this,” pahayag ni Reyes
Ayon naman kay Rivera, mataas ang pagtingin niya kay Padaca kung kaya’t nirerespeto niya ang anumang desisyon ng gobernadora.
“If I have my marching orders, I will not stay even for one minute longer, I will not solicit (endorsement) for my retention,” sagot ni Rivera
Samantala, inihayag naman ng ilang mga opisyal at ilang sector ang kanilang suporta kay Rivera dahil sa pamamalakad nito lalo na ang pagbibigay disiplina sa buong kapulisan ng Isabela. (Victor Martin)
- Latest
- Trending