4 'gun runner' arestado

BULACAN, Philippines  — Kalaboso ang binagsakan ng apat na sibilyan makaraang maaresto ng mga awtoridad sa tangkang pagbebenta ng mga malalakas na kalibre ng baril sa isinagawang operasyon sa parking area ng isang beach resort sa bayan ng San Rafael, Bulacan noong Biyernes ng gabi. Kabilang sa mga suspek na kakasuhan ay sina Conrad Esteban y Bautista, 31; Ronnie Del Rosario y Lucero, 28; Marcelo Salvador y Buenaventura, 42; at si Romeo Tolentino, 41. Nabawi rin sa mga suspek ang isang tripod at linked ammunitions na may 420 bala para sa cal. 30 machine gun, Armscor cal. 45 pistola at Taurus cal. 38 revolver. Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang kulay asul na Toyota Revo (XMP-922) at Honda Civic ESI (UVS-717). Dino Balabo


Show comments