^

Probinsiya

9 sasakyan naisalba sa katayan

-

BULACAN, Philippines — Siyam na pribadong sasakyan na pinaniniwalaang kinarnap at nakatakdang katayin ang nadiskubre maka­ra­ang salakayin ng mga aw­toridad kamakalawa ang malaking bodega na pi­ nag­tataguan ng mga sa­sakyan sa bisinidad ng Miraflor Subd., Brgy. Burol sa ba­yan ng Balagtas, Bulacan.

Kabilang sa mga sa­sakyang nakatakdang chap-chapin ay ang Spo­r­tivo, 2-Mitsubishi Pajero na may plakang BCW-227 at EVO-223; Izusu High­lander,Volkswagen (BDK-720); Nissan Zafari (TMJ-863), Mitsubishi Eclipse (UNN-901), at Toyota Prado.

Nasamsam din ng mga awtoridad ang iba’t ibang plaka ng mga sasakyan na pinaniniwalaang na chop-chop at nakatakdang ipag­bili sa mga surplus na tin­dahan sa Banawe, Quezon City at sa bayan ng Bacoor, Cavite.

Naaresto naman ang dalawang suspek na sina­sabing kumakatay ng mga sasakyan na sina Mac Reyes y Cabalo, 50, ng Barangay Tabang, Gui­guinto at Jesther Dela Cruz y Javier, 29, ng Santiago City, Isa­bela.

Base sa police report, naunang inalarma ang pag­kawala ng Nissan Ur­van na may plakang ZKE-516 na ki­narnap sa Brgy. Mojon, Malolos City noong Lunes ng gabi.

Sa follow-up operation ng pulisya, namataan ang nabanggit na sasakyan na nakaparada sa pintuan ng bodega kung saan kinum­pirmang may iba pang sasakyan sa loob na naka­takdang katayin.

Dito na sinalakay ng mga awtoridad ang na­bang­git na bodega at na­ diskubre ang mga sa­sakyang kinarnap. – Boy Cruz


vuukle comment

BARANGAY TABANG

BOY CRUZ

BRGY

IZUSU HIGH

JESTHER DELA CRUZ

MAC REYES

MALOLOS CITY

MIRAFLOR SUBD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with