6 Abu bomber arestado

MANILA, Philippines – Dalawang asawa ni Abu Sayyaf Commander Alba­der Parad at apat iba pang bandido na sinasabing sangkot sa pambobomba sa Jolo at dumukot sa International Committee of the Red Cross (ICRC) member Italian Eugenio Vagni ang naaresto ng mga awtoridad sa itinayong checkpoint sa Barangay Tagbak sa bayan ng In­danan, Sulu, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na natanggap ni Navy Spokesman Marine Lt. Col. Edgard Arevalo, kinilala ang mga suspek na sina Rowena “Honey” Ak­san, Nursima “Simang” Anudden, Rabia Polalon Asiri, Marwina Salasain, Ma­drimar Bagadi, at si Mids­­far Aksan na pawang sangkot sa urban terrorism at demolition expert.

Ayon pa sa ulat, si Ak­san ay sangkot sa pag­dukot kay Vagni at mga kasamahan nitong sina Swiss national Andreas Notter at Pinay Engineer Mary Jean Lacaba noong Enero 15, 2009 sa Patikul, Sulu.

Ang iba pang suspek ay tumatayong nagbigay ng logistics at service support sa grupo ng mga bandido tulad ng mga behikulo at pagbili ng pagkain kaugnay ng pagkakasangkot sa kidnap-for-ransom at pambo­bomba sa Jolo.

Nasamsam mula sa mga suspek ang P7,000, 2 bundles ng pera na tig-P100,000 bawat isa at mga celpon.

“The group later underwent questioning relevant to their possible involvement in the bomb blast,” ani Arevalo kung saan sinusuri na rin ang mga nakuhang cellular phones sa ginamit sa bomba na itinanim sa motorsiklo sa pagpapasabog sa harapan ng Mt. Carmel Church sa Jolo, Sulu noong Martes.


Show comments