130 MILF rebs sumuko

MANILA, Philippines - Umaabot sa 130 rebel­deng Moro Islamic Liberation Front na sinasabing mga tauhan ni Commander Bravo ang sumuko sa tropa ng mili­tar sa bayan ng Tubod, Lanao del Norte ka­makalawa.

Ang mga nagsisukong rebelde na nagmula sa 101st, 302nd, 303rd at 5th Base Command ay iprini­sinta kay Defense Sec. Gilberto Teo­doro nina Lanao del Norte Governor Khalid Dimaporo, 2nd District Rep. Abdullah Dima­poro at ng mga com­man­der ng militar. Ayon kay Col. Benito Antonio de Leon, commanding officer ng Army’s 104th Brigade, na namuno sa nego­sasyon para sumuko ang MILF sa pangunguna ni Ka­yamura “kala­yaan” Ma­ngilala, kumander ng 1st Battalion, 302nd Base Command ng Bangsa Islamic Armed Forces.

Kasaluku­ yan nang isi­­na­sailalim sa ma­susing tactical interrogation ang mga nagsi­sukong MILF renegades. (Joy Cantos)

Show comments