Holdap: kawani ng LBC todas

MANILA, Philippines - Isang kawani ng LBC na sinasabing pumalag sa holdap ang iniulat na nasawi makaraang barilin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan kahapon ng umaga sa Mandaue City, Cebu.

Napuruhan ng bala ng baril sa dibdib si Eugenio Agmata, 45, customer associate ng LBC.

Sa ulat ni P/Supt. Orlando Ualat, na isinumite sa Camp Crame, pinasok ng mga armadong kalalakihan ang sangay ng LBC sa commercial district ng nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, lumilitaw na da­la­wa sa mga armadong lalaki ang pumasok sa establi­syemento habang dalawa pa ang nagsilbing lookout.

Pagpasok sa loob ay agad na nagdeklara ng holdap kung saan ay nati­yempuhang si Agmata ay nagbibilang ng pera sa safety vault.

Napag-alamang pu­malag si Agmata kaya binaril sa dibdib ng isa sa hol­daper.

Dalawang motorsiklo na may plakang GM 2279 at 7753 ang sinasabing ginamit na gateway ng mga hol­daper kung saan sina­bayan ang pagbubukas ng na­sabing establisyemento. (Joy Cantos)

Show comments