2 pulis, sundalo naholdap

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Dalawang pulis at isang sundalo ng Phil. Army ang iniulat na naholdap ka­ma­kalawa ng gabi sa loob ng pampasaherong jeepney sa Lebak Highway sa Ba­rangay Poloy-Poloy, Sultan Kudarat.

Umabot sa P.2 milyon mula sa mga pasa­herong negosyante kabi­lang sina P/Insp. Jose Ma­rie Sima­ngan, PO1 Rafael So­riano at Pfc. Jose An­dayo ay natangay din ng mga baril.

Napag-alamang mag­ka­kasabay na sumakay ng jeep­ ney ang mga ’di-pa kila­lang kalalakihan at ma­bilis na nagdeklara ng hol­dap.

Gayon pa man, ‘di agad nakapalag sina Si­mangan, Soriano at An­dayo dahil sa bilis ng mga pangyayari, ayon sa report ni Benjie Caballero.

 Agad tumakas ang mga holdaper patungo sa bulu­bundukin ng Ba­rangay Poloy-Poloy na sinasabing kuta ng mga kriminal. Malu Manar

Show comments