OFW nagpatiwakal dahil sa utang

ARITAO, Nueva Viz­caya, Philippines – Isang Overseas Filipino Worker ang nagpaka­matay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili matapos makipagtalo sa kanyang mister dahil sa utang, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Emily Munar, 30, isang OFW sa Hong Kong at residente ng Purok 5, Barangay Bone South sa bayang nabanggit.

Nauna rito, nag-away sina Munar at ang asawa niyang si Gilbert, 26-anyos, dahil sa naiwan niyang 30 thousand dollar sa Hong Kong.

Ginawa ng biktima ang pagpapakamatay nang umalis ang kanyang mister para mamasada ng tricycle. (Victor Martin)

Show comments