MANILA, Philippines – Pinabulagta ng mga armadong kalalakihan ang isang barangay chairman sa bisinidad ng Barangay Banucagon, sa bayan ng Pigcawayan, Cotabato kamakalawa. Napuruhan sa katawan si Chairman Mascod Manamba, 54, habang nakaligtas naman ang kasama nitong si Brgy. Kagawad Noe Burata. Sa ulat na na karating sa Camp Crame, papauwi na ang dalawa mula sa Barangay Hall nang harangin at ratratin ng mga di-pa kilalang kalalakihan. - Joy Cantos