2 todas sa kidlat

BATANGAS, Philippines – Halos maabo ang katawan ng isang 27-anyos na katiwala sa fishcage makaraang tamaan ng kidlat habang nag-aayos ng palaisdaan sa Brgy. Alas-As, San Nicolas, Batangas kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Insp. Moises Espenelli, hepe ng San Nicolas PNP, ang biktimang si Rodel Azurias, tubong Brgy. Wawa, Nasugbu, Batangas. Napag-alamang nagkukum­puni ng kawayan ng palaisdaan ang biktima na nasa kalagitnaan ng Taal Lake nang gumuhit ang matalim ng kidlat bandang alas-10:30 ng gabi. 

Nagtamo ng 3rd degree burn ang biktima, ayon kay Dr.Arnel Garcia na nag­sagawa ng post-mortem examination. Samantala, tinamaan din ng kidlat at nasawi si Mauricia Sacuebo ng Brgy. Consolacion, sa San Miguel, Iloilo.

Nabatid na naglakakad sa gilid ng kalsada ang biktima nang tamaan ng matalim na kidlat. (Arnell Ozaeta at Joy Cantos)


Show comments