CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Nalasog ang katawan ng isang 38-anyos na manggagawa makaraang mahulog sa nililinis nitong roller crusher kamakalawa ng hapon sa Barangay Palanog, Camalig, Albay.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Eddie Portes, contractual employee sa ilalim ng LNM Gen. Services Manpower, Inc. na naitalaga sa Goodfound Cement Corp.
Napag-alamang naglilinis ang biktima nang mahulog sa makinang dumudurog ng bato para gawing semento.
Natagalan ang mga awtoridad na marekober ang katawan ng biktima na halos maging karne norte dahil sa pagkakaipit at pagkakagiling sa makina. (Ed Casulla)