Jeepney hulog sa tulay: 3 patay, 6 grabe
MANILA, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang anim iba pa ang malubhang nasugatan matapos mahulog sa tulay ang isang jeepney sa bayan ng Alimodian, Iloilo kamakalawa ng hapon.
Kabilang sa mga nasawi na sinasabing nakisakay lang ay sina Jerry Aguaras ng J. Toga St., Alimodian; Francisco Jamilogo ng Brgy. Kinaspan at si Lovisillo Casorla ng Brgy. Binalod.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang aksidente sa bisinidad ng Freedom Highway Street, sa Barangay Poblacion kung saan anim na sibilyan ang grabeng nasugatan at naisugod sa Aleosan District Hospital at Western Visayas Medical Center.
Napag-alamang patungo sana sa Iloilo City ang sasakyan ng mga biktima na may kargang tone-toneladang saging nang mahulog mula sa tulay.
Ilang pasahero ang nagsabing overloaded ang jeepney kaya nawalan ito ng kontrol at bumulusok pagdating sa nabanggit sa tulay.
- Latest
- Trending