Bisor ng kooperatiba itinumba

BATAAN, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang bisor ng Peninsula Electric Cooperative sa harapan ng kanyang tahanan sa Barangay Calungusan, Orion, Ba­taan kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Insp. George Santiago, ang biktima na si Angelito Gu­nio y Paguio, 49, hepe ng disconnection group ng Pe­nelco sa Pilar District Office.Sa imbestigasyon ng pu­lisya, lumilitaw na pasakay na sa kanyang L-300 van ang biktima patungo sana sa trabaho nang ratratin ng motorcycle-riding assassins. Pinaniniwalaang may ma­tinding galit sa biktima ang ilang residente na kanyang pinutulan ng linya ng kur­yente dahil sa paggamit ng jumper. - Jonie Capalaran


Show comments