Convicted killer ni ex-Rep. Espinosa Sr. sumuko

LEGAZPI CITY, Philippines – Walong araw matapos na tumakas, sumuko sa mga awtoridad kahapon ng umaga ang dating Vice Mayor na convicted killer ni Ex-Masbate Rep. Moises Espinosa Sr. Si Florencio “Jun” Fernandez ay sumuko kay Atty. Rainer Butalid habang nasa Masbate Airport patungong Legazpi City dakong alas -8:45 ng uma­ga noong Martes. Ayon kay P/Insp. Ayn Natuel, ineskortan ni PNP Gen. Lasris si Fernandez matapos sumuko sa mga awtoridad. Samantala, duda naman ang pamilya Es­pinosa sa nangyaring pagsuko ni Fernandez. Nakalaboso si Fernandez matapos hatulan ng Regional Trial Court Branch 141 ng Masbate City noong Hunyo 26, 2006 ng apat na habambuhay na pagkabilanggo kaugnay ng pananambang at pagkakapatay kay Masbate Rep. Moises Espinosa noong Marso 1989. Nakapuga mula sa Masbate Provincial jail si Fernandez noong Hunyo 22 sa gitna ng napipintong paglilipat sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City. - Ed Casulla at Joy Cantos


Show comments