2 tinyente ng AFP pinabulagta
MANILA, Philippines - Dalawang tinyente ng Armed Forces of the Philippines ang iniulat na nasawi matapos na ratratin ng mga bandidong Abu Sayyaf sa bayan ng Tipo-Tipo, Basilan kamakalawa.
Ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na si Romeo Brawner, pansamantalang hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan ng dalawa na nakatalaga sa Army Engineering Brigade dahil hindi pa naipapaalam sa kani-kanilang pamilya.
Ang dalawa na siyang namamahala sa pagpapatayo ng eskuwelahan sa nabanggit na lugar ay lumabas lamang para bumili ng sigarilyo sa tindahan kung saan pinagbabaril naman ng mga bandido. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending