^

Probinsiya

Judge pinagmulta sa kasong libel

-

SAN PABLO CITY, Laguna, Philippines – Inutusang mag­multa ang isang hukom matapos hatulan ng guilty sa kasong libel na isinam­pa laban sa kanya ng ba­baeng prosecutor sa Laguna.

Sa 56-pahinang desis­yon na ipinalabas ni Judge Agripino Morga ng San Pablo City Regional Trial Court Branch 32, inutusan nitong magmulta si Judge Medel Arnaldo Belen ng Calamba City Regional Trial Court ng P3,000 dahil sa kasong libel na isinam­pa laban sa kanya ni San Pablo City Prosecutor Ma­rivic Lagman.

Nag-ugat ang kaso ma­tapos magdemanda si Lag­man makaraang yurakan ang kanyang pangalan, dignidad at reputasyon kung saan akusahan ng masa­sakit na salita na naka­saad sa isang pleading ni Belen sa preliminary investigation.

Batay sa affidavit na na­ kalap ng PSNgayon, hina­wakan ni Lagman ang preliminary investigation sa kasong theft at estafa na isinampa ni Judge Belen laban sa kanyang mga kamag-anak noong October 24, 2003.

Napag-alamang idinismis ni Lagman ang naturang kaso na ikinagalit ng hukom hanggang sa magsumite ito ng isang Omnibus Motion para sa motion for reconsideration at kahilingang ma-disqualify si Lagman sa pag­hawak ng  kaso.

Nagulat na lang si Lag­man nang mabasa nito ang motion ni Judge Belen na naglalahad ng mga maka­sirang puring salita na nag­bunsod para magsampa ito ng kasong libel.

Kabilang sa mga kata­gang inireklamo ni Lagman ay ang-“partiality and stupidity, manifest bias for 20,000 reasons; “The investigating fiscal’s stupidity was clearly manifest in her moronic resolution to dismiss the complaint; unfortunately the investigating fiscal’s wrongful assumptions were tarnished with silver ingots.”

Kasama rin ang mga pa­ngungusap na “She (Lag­man) is also clearly an intellectually infirm or stupidly blind; corrupted imagination; “the slip of her skirt shows a corrupted and convoluted frame of mind-a manifest partiality and stupendous stupidity in her resolution.”

Sinikap namang kunin ng PSNayon ang panig ni Judge Belen pero tumanggi itong magpa-interview. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

CALAMBA CITY REGIONAL TRIAL COURT

JUDGE AGRIPINO MORGA

JUDGE BELEN

JUDGE MEDEL ARNALDO BELEN

LAGMAN

OMNIBUS MOTION

SAN PABLO CITY PROSECUTOR MA

SAN PABLO CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with