^

Probinsiya

Utak sa pagdukot sa anak ng Tsinoy tinukoy

-

MANILA, Philippines - Dinukot ng apat na ar­madong kalalakihan na pinaghihinalaang miyem­bro ng kidnap for ransom gang ang isang apat na taong gulang na batang lalaki na anak ng mag-asawang negosyanteng Filipino-Chinese sa Ba­rangay Poblacion 3, Cota­bato City nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni 6th Infantry Division Spokesman Lt. Col. Jonathan Ponce ng Phi­lippine Army ang bik­tima na si John Kyle Chong­son, Kinder 1 pupil ng Notre Dame School.

Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga kidnapper na pawang armado ng malala­kas na kalibre ng armas at sinunggaban ang bata.

Wala namang nagawa ang mga kasambahay ng biktima matapos ang mga itong tutukan ng baril ng mga suspect.

Ang biktima ay isinakay ng mga kidnapper sa ka­nilang KIA vehicle na siyang ginamit na get away car na namataang tuma­hak patungo sa direksyon ng Binuruan, Sultan Kudarat.

Kaugnay nito, ayon kay Ponce, ay patuloy ang ka­nilang imbestigasyon upang matukoy ang grupong du­ mukot sa biktima.

Gayunman, natukoy na ng pulisya ang utak sa pagdukot kay Chongson. 

Sa ulat na nakarating sa Land Transportation Office sa Central Office, pinanga­la­nan ni Cotabato City police director S/Supt. Willie Dangane ang namumuno sa grupo na si Abdulwahab Mohimin Abo “Alias Boti­ting/Boy Bangsa Moro” na dating disk jockey ng Hot FM sa Cotabato.    

Anya, kabilang din sa itinuturong suspek ang tatlong empleyado ng LTO-ARMM kung saan ang isa ay kinilalang si Mamarais Utto Tubog. (Joy Cantos at Angie dela Cruz)

ABDULWAHAB MOHIMIN ABO

ALIAS BOTI

BOY BANGSA MORO

CENTRAL OFFICE

COTABATO CITY

INFANTRY DIVISION SPOKESMAN LT

JOHN KYLE CHONG

JONATHAN PONCE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with