A(H1N1) doctor itinumba
MANILA, Philippines – Tinambangan at napatay ang isang doctor ng Department of Health na sinasabing pangunahing tumututok sa kaso ng A(H1N1) virus sa panibagong karahasang naganap sa Brgy. Cabantian sa Buhangin District, Davao City noong Miyerkules ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Dr. Rogelio Peñera, team leader ng surveillance and monitoring ng A(H1N1) virus sa Southern Mindanao. Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lulan ng kotse ang biktima, habang papasok sa Countryville Village Compound nang ratratin ng mga di-pa kilalang kalalakihan. Kasama ni Peñera ang anak na si Leany, 15, na tinamaan naman ng bala sa braso. - Joy Cantos
- Latest
- Trending