Iranian nagpakarit sa kamatayan

MANILA, Philippines – Basag ang bungo ng isang 23-anyos na estu­dyan­teng Iranian matapos itong tumalon mula sa ikaanim na palapag ng hotel sa Brgy. Gun-ob, Lapu-Lapu City, Cebu noong Mi­yerkules ng umaga. Sa phone interview, kinilala ni P/Senior Supt. Mariano Na­tuel, ang biktima na si Ashik Iqbal, na natukoy sa pama­magitan ng identification card na naiwan nito sa beach resort na una nitong tinuluyan. Sa pahayag ng isang kawani ng Crown Regency Hotel na si Ronald Fer­rate, nagtanong ang biktima ng room rates kaya ineskortan niya ito sa 3rd floor para makita ang mga room pero nagpumilit na magtungo sa ikaanim na palapag. Habang ipinakikita ni Ferrate ang Room 616 sa biktima ay tinalikuran siya nito at saka bigla na lamang tumalon na labis na ikina­bigla ng una. Napag-ala­mang tulala ang biktima nang magpahatid sa taxi driver sa nasabing hotel. - Joy Cantos


Show comments