^

Probinsiya

Ambus: Bokal, 3 pa bulagta

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Apat-katao ka­bilang na ang isang bokal at dating barangay chairman ang iniulat na napatay makaraang tambangan ng mga di-pa kilalang kalala­kihan sa barangay fiesta sa San Pablo City, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa napaslang ay si San Pablo City Councilor Danny Yang, 45, ng Teomora St. Phase 2, Brgy. San Gabriel, at concurrent Board Member ng Laguna 3rd District.

Kasama ding nasawi ang bodyguard ni Yang na si Brando Delos Santos, 54, at ang political support­er na si ex-Barangay Chair­man Manolo Barcenas, 53.

Sugatan naman ang isa pang bodyguard ni Yang na si Jovy Lopez at Mark Edward Herrera, 17, matapos tamaan ng ligaw na bala at kapwa ginagamot sa Paga­mutang Panlalawigan ng Laguna.

Ayon kay P/Senior Supt. Manolito Labador, La­guna police director, dadalo sana sa programa ang grupo ni Yang sa Bautista Elementary School nang ratratin ng mga ar­madong kalalakihan ban­dang alas-9 ng gabi.

Napag-alamang katata­pos lang maghapunan ang grupo ni Yang sa bahay ni Chairwoman Evelyn Sam­son at habang patungong eskwelahan para manuod ng amateur singing contest nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.

Nakaganti naman ng putok ang driver-security ni Yang na si Rommel Viterbo at napatay nito ang isa sa mga killer na inaalam pa rin ang pagkakakilanlan.

Nakaligtas naman si Chairwoman Samson na nasa tabi lang ni Yang nang maganap ang ba­rilan.

Samantala, malaki na­man ang paniniwala ng mga political observer na politically motivated ang pagpaslang kay Councilor Yang dahil sa plano nitong pagtakbo sa pagka vice mayor ng San Pablo City sa 2010 elections.

Si Yang ay ibinoto bilang Pre­sidente ng Laguna Coun­­cilors League na nag­bigay sa kanya ng puwesto para maging board member ng Sang­guniang Pan­lala­wi­gan ng Laguna.

Kaugnay nito, binuo na­man ang Task Force Dan­ny Yang upang resol­bahin ang krimen at ma­aresto ang mga nakatakas na gunmen. - Dagdag ulat ni Ed Amoroso


vuukle comment

BARANGAY CHAIR

BAUTISTA ELEMENTARY SCHOOL

BOARD MEMBER

BRANDO DELOS SANTOS

CHAIRWOMAN EVELYN SAM

CHAIRWOMAN SAMSON

COUNCILOR YANG

SAN PABLO CITY

SHY

YANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with