8 dinakma sa 'hot log'

BATAAN, Philippines – Walong sibilyan ang inaresto ng pulisya makaraang makumpiskahan ng 11-pi­rasong hot log sa Barangay Lucanin sa bayan ng Ma­riveles, Bataan kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Ronaldo Peralta, Marcos Cervantes, Willy Jimenez, Enrique Bri­taña, Santos Banzon, Rommel Banzon, Jaime Rivera at Richard Pin na pawang nakatira sa mga bayan ng Limay at Orion.

Nasabat ng pangkat ni P/Insp. Marvin Pedere, ang mga suspek na lulan ng Fuso Canter truck sa kahabaan ng Ro­man Superhighway sa nabanggit na bayan. (Jonie Capalaran)

Show comments