Plaza grinanada: 2 dedo, 23 sugatan

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang 23 iba pa ang nasugatan matapos sumabog ang granada sa kainitan ng selebrasyon sa gitna ng plaza sa bayan ng Maasim, Saranggani province, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-7 ng gabi nang hagisan ng granada ang pagdiriwang ng ika-37 Kestebeng Festival.

Nagtamo ng matinding sugat ang mga biktima habang ina­alam pa ang pagkakakilanlan sa dalawang namatay kung saan agad na kinansela ang lahat ng aktibidad sa nasabing pagdiriwang. (Ricky Tulipat)

Show comments