Mayor sabit sa ilegal na baril
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganin ang isang alkalde at tatlo nitong tauhan makaraang makumpiskahan ng mga baril na walang kaukulang dokumento noong Huwebes sa PNP checkpoint sa Brgy. Kallagdaw sa bayan ng Tabuk, Kalinga. Kinilala ni P/Senior Supt. Dean Emock, Kalinga police director, ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1866 o ang Illegal Possession of Firearms and Explosives ay sina Paracelis, Mt Province Mayor Pedro Almeda, Matthew Wanig, Oliver Gabit at si Mario Adawi. Nakumpiska ng mga tauhan ng 165th Kalinga Police Mobile Group at Cordillera Regional Mobile Group ang tatlong baril na pawang memorandum receipt lamang ang ipinakita ng mga suspek. Victor Martin
- Latest
- Trending