Mister dinedo ni bayaw
BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng isang kawani ng munisipyo matapos na mabaril at mapatay ang kanyang bayaw sa loob ng kanilang tahanan sa Sitio Batuhan sa Barangay Buliran, San Miguel, Bulacan kamakalawa. Idineklarang patay sa Paulino J.Garcia General Hospital sa Gapan City, Nueva Ecija, ang biktimang si Juliano Batiansila, 43, habang naaresto naman ang suspek na si Marcos Manuel, 43, kawani ng lokal na pamahalaan ng San Miguel. Ayon sa police report, bandang alas-11 ng gabi nang dumating sa kanilang bahay ang suspek na lango sa alak at hamunin ang kanyang bayaw dahil sa matagal na alitan subalit pinayapa ng kanyang utol na babae. Dito na nagwala ang suspek at binaril ang kanyang bayaw sa loob ng kanilang tahanan. Boy Cruz
- Latest
- Trending