Manedyer tiklo sa estafa

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines – Isang 57-anyos na dating branch manager ng Philippine Business Bank na si Alberto Reyes ang inaresto ng pulisya habang lulan siya ng kanyang kotse malapit sa kanyang bahay sa Barangay Bagbaguin sa lunsod na ito kahapon ng umaga. Dinakip si Reyes sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Malolos City Regional Trial Court Judge Olivia Escudo-Samar dahil sa kinakaharap niyang kasong estafa. Isinangkot si Reyes sa pagkawala ng P313,100 pondo ng pamahalaang-lunsod ng Meycaua­yan na ukol sana sa special education fund nito. (Boy Cruz)

Show comments